MARTIR: Anong pakiramdam ng walang pakiramdam?
MANHID: Wala. Kaya nga walang pakiramdam diba.
MARTIR: (Kinurot si manhid)
MANHID: Araaaaaaaaayyyy!
MARTIR: (Natawa) O akala ko ba wala kang pakiramdam?!
MANHID: (Kinurot din si martir)
MARTIR: Araaaaaaaayyy!
MANHID: O ikaw? Ba’t ka umaray, e diba kaya mo lahat ng sakit?!
MARTIR: Magkaiba ang mga salitang ‘Kaya ko ang sakit’ sa ‘Kinakaya ko ang sakit’.
MANHID: Ganun din yun! Parehong katangahan ang ibig sabihin!
MARTIR: Ah ok. E kung ako tanga, ano ka? Disabled?
MANHID: Ha? Tanga ka talaga e no? Di mo alam ang pinagsasabi mo. Paano ako naging disabled?!!!
MARTIR: Sige, iisa-isahin ko sa’yo… Una, Bulag ka kasi di mo nakikita lahat ng sakripisyo naming mga martir! Pangalawa, Pipi ka kasi di mo kayang sabihin ang totoong nararamdaman mo! At pangatlo, Bingi ka kasi ‘di mo naririnig ang sigaw sa lahat ng sakit na nararamdaman namin!
MANHID: Ah ganun?! E isa isahin ko din kaya sa’yo kung bakit ka tanga?! Una, wala namang nagsabing magsakripisyo ka, ikaw lang naman ang nagpapaalipin sa sarili mo! Pangalawa, di mo rin naman kayang magpakatotoo sa sarili mo kasi puro puso ang pinapagana mo, mag-isip ka! Gamitin mo rin yang utak mo! At pangatlo, ‘wag mong sabihing sinisigaw mo lahat ng sakit dahil ang totoo, tinatago mo lahat ng nararamdaman mo kahit alam mong di mo na kaya!
MARTIR: Ok. Tanggap ko naman lahat yun e. Kaya kong aminin lahat yun sa sarili ko. E ikaw ba? Hindi diba? Kasi nga manhid ka.
MANHID: Wala akong kailangang aminin sa sarili ko dahil lagi kong ginagamit ang utak ko. Mas gusto ko ng maging ganito kaysa maging katulad mo…
MARTIR: (Ngumiti) Oo nga. Wag mo ng subukang maging ako, kasi susuko ka lang. Pang matapang lang ang pagiging martir.
MANHID: (Nagalit) At anong ibig mong sabihin?! Duwag ako?!!!
MARTIR: Oo. Di mo kasi kayang harapin ang problema. Minsan, mas kailangan mong gamitin ang puso para mas maintindihan mo lahat ng mga bagay. Alam kong di maiintindihan ang isang bagay kapag di ginamitan ng utak… pero may isang parte sa buhay na hindi nauutusan ng utak ang puso. Katulad ko, kahit alam kong nahihirapan na ko, alam ko masaya ako sa ginagawa ko at di ko na kailangang makinig pa sa kung sino. . .
MANHID: Masaya rin naman ako sa ginagawa ko ha.
MARTIR: Masaya ba ang walang pakiramdam?
MANHID: Oo. Malaya ako sa sakit. Walang problema… Masaya. . .
MARTIR: Hindi. Hindi ka masaya…
MANHID: Ikaw rin naman e, kung masaya ka man... Marami pa ring kulang. . .
MARTIR at MANHID: Pareho lang tayong may kulang…
---And the conversation end up there. . .